Lunes, Enero 16, 2012

ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI WERDNAKRAM

INTRODUCTORY CHAPTER
FIRST HALF
Isang umaga, sa isang kubeta, na matatagpuan sa isang spiral galaxy na nagngangalang Milky Way na may sukat na 100,000 lightyears in diameter at may luminosity ng 14,000 suns na kabilang sa Local Group o cluster na binubuo ng higit sa 30 galaxies na pinagbubuklod ng gravitational forces, habang naliligo si werdnakram, napansin nya sa gilid ng drum ng tubig ang isang inter-relationship in an ecosystem inside the comfort room sa pagitan ng gagamba at ipis. Sa gild ng drum ng tubig ay nakatayo ang isang predator, isang gagamboy na nilalapa ang kakrots. awts. Sa tagpong iyon, napag-alaman ni werdnakram na ang ganung pangyayari ay mahalaga para mapanatili ang Balance of Nature. Salamat kay gagamboy dahil nabawasan na ang mga lahi ng ipis na naglipana sa gabi at minsan ay nanggagapang pa, mga bastos na ipis na nanghahalik at minsan ay manyak pa, nanghihipo pa ng legs, buti na lang di pumapasok sa syort.

15 minutes to go before 8AM.
8AM ang office time, saka pa lang aalis si werdnakram.
Gaano kabilis dapat sya magbyahe para hindi sya ma-late?
Ang formula ng speed ay distance divided by time, pero ang hinahanap natin ay ang time, so ang derived formula based on the formula of speed is t=d/s, then it's for you to find out.
Unfortunately, you cannot solve the problem by using the formula of speed. Ang pwede mo na lang gawin ay isolve kung anong oras dapat umaalis si werdnakram sa bahay nila para di sya ma-late. So, get the distance from Bagong Silangan to Araneta Avenue.
Then the average speed ng byahe sa loob ng isang linggo, then you'll get how much time needed for him to go to his office on time.
But all of this are just approximation, ‘cause there's no such thing as absolutely precise measurement.

Ano kaya kung pwede tayong magteleport gaya ni Son Gokou?
Posible ba? Oo. Sa mga particles, pwede.. sa tao hindi pa.
Ang mga siyentipiko ay nagtagumpay na sa pagpapateleport ng mga particles sa pamamagitan ng tinatawag na Quantum Entanglement, particles are destroyed in one place only to re-appear instantly some distance away.
Try mo. Ewan ko lang kung ano magiging itsura mo. Dahil para makapagteleport, kailangan mo muna paghiwa-hiwalayin ang mga particles ng katawan mo, as in yung mga atoms mo.. for you to teleport to another place, you have to travel in the speed of light.
Pero meron na nga bang nakadaig sa bilis ng liwanag? kahit cheetah na tinuturing na pinakamabilis na hayop ay hindi kayang habulin ang light na nanggagaling sa flash light.. kasi pagbukas mo pa lang ng flash light, nasa pader na agad sya.. kahit yung mga laser na pinaglalaruan ng mga bata sa gabi.
However, recent experiments show that some particles are faster than the speed of light unlike what Einstein said na walang makakadaig sa speed of light.
Balik tayo sa topic na teleportation bago tayo magteleport sa ibang topic. For you to teleport, you must reduced your mass, fyi, mass is the amount of matter in an object.
Weight is different from mass. To understand this difference, you must first understand gravity. Gravity is a force of attraction between objects that is due to their masses. This attraction causes objects to exert a pull on other objects. Because all matter has mass, all matter experiences gravity. The amount of attraction between objects depends on two things—the masses of the objects and the distance between them.
Gets? Kung hindi pa rin, kunin mo yung science book mo at magself-study ka na lang.
So if you have lesser mass, lesser force lang din ang kailangan for you to move quickly or to teleport.
Yes! tama, kailangan mo nga ng force for you to move. Why?
According to Newton's first law of motion, aka Law of Inertia, a body at rest remains at rest, and a body already in motion with a constant velocity will either stay still or travel at a constant speed in a straight line unless it is disturbed by a force.
Pero kulang ang law ni Newton dahil nakalimutan nya na may "hidden" forces of gravity at meron ding friction na pwedeng maging sanhi ng paghinto ng isang moving object.
Ok, balik na ulit sa teleportation. Isipin mo na lang, sino mas mabilis tumakbo, yung mataba o payat? Syemperd yung payatot kase magaan sya, the same concept din sa teleportation.. kaya kailangan maghiwalay ng particles sa katawan mo ito atomic parts ay para makapagtravel ka like the speed of light which is 299,792,458 km/s. Kahit ata MAGLEV train sa Japan di kaya yun eh.
Grabe, ang bilis! pero wala pang "matter" ang nakagawa nyan.
Sori ka na lang dahil matter ka rin.
Matter is anything that occupies space and has mass, at inooccupy mo ung space kung saan ka man nakaupo or nakatayo ngayon at meron ka ring mass. So ibig sabihin ay matter ka rin.. hindi gaya dati na pag tinanong ka ng teacher mo “what is matter?” o “give me example of matter”, ang sagot mo ay upuan, lamesa, blackboard, chalk, puno, dahon, alikabok, ampalaya, singsing pares, etc. Bakit di mo binigay na example ng matter yung kaklase mo? Matter naman sya ah. At ikaw rin.
Anyway, kung sakali man magawa mo ang teleportation, siguraduhin mo lang na pagbalik ng particles sa katawan mo, ay nasa tamang lugar pa rin yung dating pwesto ng mata mo at iba pang organs mo. Baka yung pwet mo nasa mukha mo na. Bwahahahaha.
Parang yung movie na “the fly” na nakalimutan ko na ang istorya, basta may machine sya na kayang magteleport sya papunta sa kabilang machine (dalawa kase yun). Eh may nakapasok na langaw sa isang machine, kaya yung subatomic particles nya at ng langaw ay naghalo. Hala ka. Kaya wag mo ng pakanaisin na magteleport gamit ang makina. Dapat in-born talent mo na yun or acquired from your mutant parents or lolo na may anting-anting.
Plan B para hindi ma-late si werdnakram (hindi ako yun, narrator lang ako).
Kailangan gumawa ng shortcut papuntang office.
"Cosmic shortcut" or wormhole. Don't take it literally, hindi ka dadaan sa daanan ng bulate na nakikita mong butas sa lupa para makapagshortcut papunta kung saan mang dako ng mundo. Mahirap ata gumapang.
Unang-una, dapat mo munang malaman na ang buong Universe including our planet Earth, at kasama ang Pilipinas, at ang Quezon City, at ang inaapakan mo ay parang isang tela o "fabric".
Ang lahat ng nakikita mong "space" ay space nga. Hindi lang yung paglabas mo sa planet Earth, yun lang ang space. No! ang tawag sa kalawakan o paglabas mo sa mundo gamit ang isang spaceship ay outer space.
At ang space, including our Universe ay parang isang tela na pwede mo itiklop.
Try mo? Labahan mo pa!
Yeah right!
It's like a tela na nilabhan mo sa surf. Pwede mong itupi at tiklupin at pag natupi mo na ung space galing sa bahay nyo at sa office nyo ay pagtapatin mo lang yung bahay at office nyo, parang nasa ibabaw mo yung office, at dun ka na makakagawa ng wormhole, dun sa pagitan ng bahay at office.
Di mo maimagine? kuha ka ng papel at magdrawing ka sa magkabilang dulo, sa isang side ay bahay nyo tas sa kabila eh office mo or school mo.
Medyo itupi mo.. yung parang magiging curve lang yung gitna ah, wag yung palong-palo na tupi ah, tas ayan na, pwede ka na gumawa ng wormhole, pero imaginary lang yun ah, walang hagdan yun, invisible.. or para mas maintindihan mo pa, pag magkatapat na yung bahay nyo at yung gusto mong puntahan, kuha ka ng straw tas yung kabilang dulo lagay mo sa drawing ng bahay mo at yung kabilang dulo sa school or office mo.
Ayan na, may tunnel ka na or shorth cut papunta sa lugar na gusto mong puntahan, sa maikling panahon.
Gets mo na yung wormhole? Di pa rin? ah ok. Cge gudnyt. (2:45 PM pa lang dito eh)

SECOND HALF
3:10.
Hapon.
Oras ng pagtulog ng mga bata dahil pag di natulog ay papaluin ng erpat ng sinturon sa pwet.
Siesta.
Yung iba kumakain ng bananaque na tigsampu pero dalawang piraso lang yung saging, may uod pa.
Joke, higad pala.
Walang uod at higad.
Harina lang.
Yung turon may halong chalk.
Wala.
Yung maruya puro harina na may food coloring na kulay orange or yelow.
Parang ipen.  
Mo?
Ewan.
Baka.
Inaantok si werdnakram at gustong matulog kaso di pa gabi.
Pano ba malalaman pag gabi na?
Pag madilim?
Pag may stars?
Tanong sa buwan para malaman mo.
Ano ba ang star?
Ang star ay isang bola ng kumukulong gas na nagbibigay ng init at liwanag.
Gas ha. Hindi gasul. Hindi gasulina. Hindi yung gas sa gasera at kalan. Gas. As in one of the four phases of matter, namely, solid, liquid, gas, and plasma.
Gas is not an air.
However, air is an example of a gas.
Air is not wind.
It is composed of different gases such as oxygen, nitrogen, sustagen, etc.
Gatas yun ah? Nestogen na lang kung naabutan mo pa. O kaya energen. Lahat ng may gen.
Ang mga stars ay kumukutikutitap sa umaga at gabi.
Bakit di mo nakikita?
Dahil mas maliwanag si haring araw dahil sya yung pinakamalapit na star sa atin.
Yung iba?
Magkakaibang distansya ang bawat stars, hindi porke kasali na sa constellation, magkakatabi na sila at tropa na sila.
Anyway, alam mo ba ang pinagkaiba ng star at sun?
Hinde?
ah.. ok.
So akala mo yung Sun na yung pinakamalaki.
At may ibang sun sa ibang galaxies? Wala!
Ang “sun” ay name lang ng star.
Star talaga sya.
Parang toothpaste, ang name or brand nya ay colgate.. at marami pang ibang brands such as close-up, pepsodent, unique, beam, boy bawang, etc.,
Paniwalaan mo kung ano yung gusto mo sa mga nasabi ko kase Sci-Fi tong sinusulat ko kaya dapat may fiction, hindi lang puro science.
Bakit kaya pag bumibili ka ng toothpaste,
"Pabili nga po ng colgate, yung close-up!",
parang pag magpapaphotocopy ka,
"pa-xerox nga!"
Galit ka pa. Wrong grammar naman.
Hehe. Ang 'xerox' ay brand lang photocopying machine.
Pano ka magpapaXEROX kung yung machine nila ay CANON?
Or ibang tatak.
Ah.. yun na ba yung kinasanayan mo?
Sige. Bahala ka. Sabi nga sa libro ni pareng John Maxwell
"What's truly sad about those who don't change is that there can be no improvement except through change.
To keep changing is not an end in itself, but only through change can there be through growth."
“Nu ba yan, nasermonan pa nagbasa na nga lang!”
Sorry ah. Binasa mo pa kase toh eh. Sige hinto mo na..
Maya pagtapos na.
Bastos ka ba, nagsasalita pa yung tao tatalikuran mo.
How dare you?
I thought i knew it was, i thought you're my friend.. but you are. Truly. Thanks ah.

werdnakram: pa-print nga po!
tronixgirl na maganda:  saan po nakasave? sa USB?
werdnakram: sa flash drive.
tronix girl na maganda: ano yun?
werdnakram: oh eto..
tronix girl na maganda: ah usb..

Hay...
Bakit ba kase usb?
USB means universal serial bus.
Di ba yun yung port, i mean yung pinakadulo ng cord, ibig sabihin universal, parang common sya or standard port, may usb charger, may usb speaker, usb keyboard. oo, usb yung nasa dulo ng flash disk/drive pero bakit usb tawag mo? Flash disk na lang, di ba dati yung diskette na pinagsesave-an din ng files eh “floppy disk”, so ang itawag mo na ngayon sa “usb” na pinagsesave-an mo ng files ay “floppy disk.”
Be specific naman kase. Hindi mo na kailangang maginbg obsessive compulsive para gawin ang mga bagay na ito.

Taking back SUN-day.
Now you know that the Sun is an example of a Star, not only it is the center of the Solar System but it is also a Star.
The nearest star on Earth.
Yes it is.

And why do the planets rotate around the sun?
Bakit?
Anak nya ba yung mga planeta?
Manliligaw?
Bakit ayaw tantanan ng mga planeta ang araw?
Stalker ba yung mga planeta?
Grabe naman sila, ayaw nila bigyan ng peace of mind yung araw.
Siguro kung nakakapagsalita yung araw, sasabihin nya: “WILL YOU ALL PLEASE GIVE ME SOME SPACE?”
Tapos may makakarinig na alien, sasagutin sya ng: “EH NASA OUTER SPACE KA NA NGA EH? SAN MO PA GUSTO? DEMANDING KA AH!”
Grabe talaga yang mga planetang yan.
Grabe! As in gravity!

What is gravity?

Kapag narinig mo ang gravity, ang una mong maiiisip ay ito ang dahilan kung bakit nahuhulog ang mga bagay-bagay sa mundo.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang gravity, na dahilan kung bakit nahulog ang mansanas sa ulo ni Newton habang nakaupo sya sa ilalim ng puno, ang sya ring dahilan din kung bakit ang lahat ng bagay sa Solar System ay nakakapit sa bawat isa.
As in one happy family na ayaw ng maghiwalay.
Gravity kase.
For now, yan muna ang discussion sa gravity dahil inaantok si werdnakram sa ikadalampu't anim na araw ng huling buwan sa taong bente-onse katorse bente syete oras.

"Be an angel and reach for the stars. Sprinkle a little stardust wherever you are."

TUNGKOL KAY WERDNAKRAM:
Si werdnakram ay isang free-spirited space-time traveler who leaps through space and time.
Isa rin syang theoretical physicist at Musician na may background sa General Relativity as well as String Theory.
Sya ay isang independent researcher, na may interest sa pag-eexplore ng limits ng Modern Science pati na rin ang pag-iintroduce o pagpapasikat ng mga science concepts sa publiko.

Gusto ni werdnakram na makihalubilo sa publiko dahil nung sya ay high school pa lamang, marami syang katanungan about aliens, Bermuda triangle, lochness monster, anti-matter, higher dimensions, at time-travel. Sa tuwing pupunta sya sa library o sa mga bookstores o kahit pa sa school—kapag nagtatanong sya about sa mga bagay na ito—ang natatanggap nya lang na sagot ay “some strange looks.” Wala man lang nakasagot ng kanyang mga tanong o nakakarelate man lang sa kanyang interes. Kaya’t sinabi nya sa kanyang sarili, nung bata pa siya, na kapag nagging isang scientist na sya at nakapagresearch, gusto nyang sagutin ang mga katanungan na gaya ng tanong nya nung bata pa sya.
UNANG KABANATA
Lulan ng isang sasakyan na may kakayahan na makapglakbay sa iba't-ibang panahon at dimension, si werdnakram ay nagtungo sa ibang universe upang maibsan ang kanyang pagkaburyong sa planet Earth which is composed of four-dimensional space including three visible dimensions which is length, width, at breadth or depth, di mo magets?
Ibig sabihin gumagalaw ka sa tatlong dimensyon, nakakagalaw ka in three dimensions, nakakalakad ka papunta sa kanan, kaliwa, at nakakaatras/abante ka.
Apat ba? tatlo lang yan.
Magkasama na yung atras abante, or yung lalim ng ginagalawan mo--yan ang tinatawag na "space".
Pero sa panahon ni Einstein, which is sobrang tagal na, ay na-combine nya sa three dimensions ang isa pang dimension--ang time o oras.
Meaning, sa bawat paggalaw mo, laging konektado ang oras.
Ayaw pa maniwala?
Sige, subukan mo ngang gumalaw ng nakahinto ang oras?
Pag nagawa mo yun, IKAW NA.
Dun nag-umpisa ang katotohanan na tayo ay gumagalaw sa apat na dimensyon.
Dati, ang alam natin (hanggang ngayon nga ata yun pa rin alam mo eh!), gumagalaw lang tayo sa three-dimensional space.
But now that you've read this, you already know that we are moving in four-dimensions called "space-time".
length + width + breadth + time = 3 (space) + 1 (time) is equal to space-time.
Now you know. Pagkalat mo na. Bilis.
And since we are living in a four-dimensional space-time, we can imagine more, kasi nung gumagalaw pa nga lang tayo sa simpleng tatlong dimensyon, nag-iisip na tayo kung paano tayo makakagawa ng shortcut.
Halimbawa, malelate ka na sa skul or sa trabaho, para mas mapabilis, di ka na dadaan sa kalsada in a straight line kung tatawid ka rin naman sa kabila, ang lakad mo na, pa-diagonal, mas mabilis kesa dadaan ka pa sa bawat kanto kwadrado.
Di mo maimagine?
Tulog ka nalang.
Hoho.

At kung nakakagawa tayo ng paraan para makapag-shortcut sa three-dimensional space, why not sa four-dimensional space-time na ating ginagalawan?
Pwede?
Posible.
Hindi lang ang distansya o layo ang magagawan naten ng paraan para makapag-shortcut, pati na rin ang oras.
We can make time slower or faster.
Ayaw mo agad tumanda? Pwede.
Sa pamamagitan ng isang eksperimento, napatunayan na ang oras ay kaya nating pabagalin or pabilisin.
How?
Dalawang astronaut ang inuto ng mga Scientists at pinag-eksperimentuhan na paarang daga lang, hehe.
Binigyan sila ng magkaparehong orasan, parehong tatak, parehong original, parehong binili sa SM at hindi GSM (galing sa magnanakaw), parehong oras din.
Yung isang astronaut ay pinasakay sa isang spacecraft, at yung isa naman ay naiwan sa planet Earth.
Habang nakasakay ang isa sa spacecraft, tinodo edad nya ang speed ng kanyang spacecraft na malapit ng maabot ang speed of light.

Ang astronaut na yon ay si werdnakram, nagtungo sya sa kalawakan, at dun nagstay ng tatlong taon.
Pagbalik nya sa planet Earth, anim na taon na ang nakakalipas.
“Hala! bakit?”
Agad syang nagtungo sa kanilang bahay upang dalawin ang pamilya.
Nakita nya ang kapatid na sumunod sa kanya.
Werdnakram: julius! san sila mama?
Julius: wala kang galang sa kuya mo ah!
Werdnakram: joke ba yun? mas matanda kaya ako sayo, ako ang kuya mo.
Julius: anong ikaw? umalis ka dito sa earth 2011, anim na tao na ang nakalipas, 2017 na..
Werdnakram: hala, oo nga, bakit ganun, sa orasan ko at kalendaryo 2014 pa lang?
Agad hinanap ni werdnakram ang isa pang astronaut na kasama sa eksperimento at naiwan sa earth.
itago na lang natin sya sa pangalang astroboy.
Pagkalipas ng 48 years ng paghahanap at pagtatanong, nahagilap din ni werdnakram si astroboy.
Werdnakram: oh astroboy, andito ka lang pala, kung saan saan na kita hinanap, bakit dito ka nakatambay?
Astroboy: pare, kase naman, dapat pala ako na lang yung sumakay dun sa spaceship, dapat di ako nagpaiwan.
anim na taon na ang lumipas, pagkalipas ng isang taon dito sa earth nung umalis ka, 2012 na.. grabe andaming nangyari, nangyari yung Polar Shift, at sandamakmak na calamities ang naganap, yung Planet X Nibiru nga buti nagawan ng paraan ni Michio Kaku, kaya hindi sumalpok sa planet earth, gasinulid na lang yung pagitan.. tas naglabasan din yung samu't saring kulto, basta andaming nangyari, di ko na ikkwento kase ikaw ang bida dito sa libro na toh diba?
Werdnakram: ganun ba? oh bakit tambay ka nalang? wala ka na bang trabaho?
Astroboy: wala na parekoy, eto humihithit na lang ng Astro Cigarette na binili ko sa Radioactive Sago Project Sari-Sari Store.
At ganun nga ang nangyari sa panahon na yun, kay't naisipan ni werdnakram na bumalik sa kasalukuyang panahon at ipamalita ang nangyari sa future.

IKALAWANG KABANATA
Inaantok na si werdnakram ng sya ay bumalik sa kanyang "space-time machine"..
Hindi namalayan ni werdnakram na ang kanyang napindot na button ay ang taong 1994 at ang lugar ay sa US.
In split seconds, bago pa lang maisagawa ni werdnakram ang kanyang kisapmata, nakarating na agad sya sa paroroonan.
werdnakram: Nu ba yan!! di man lang ako nakatulog, kainis!
Paglabas ni werdnakram sa kanyang spaceship, nagulantang sya sa kanyang nakita..
werdnakram: Oh my gulay!
Napunta si werdnakram sa isang farm, kung saan nakapaligid sa kanya ang napakaraming naglalakihang patatas.
Kaya agad nyang inapproach ang isang magsasaka na mukhang scientist.
werdnakram: Uy manong! manong! asan ba ko?
manong: Hey you, what are you talking about? I cannot understand your language, please speak English!
werdnakram: Oh yeah! is that so? I don't give a damn! Haha! Just kidding.. May i ask where I am?
manong engglisero: You are here at Roswell, New Mexico but i can't tell you the exact name of our company because it is a top secret facility.
wernakram: Ganun? ang corny naman.
manong ingglisero: What?!!!!
werdnakram: Nothing, i said you are handsome but deaf! joke!
manong ingglisero: What are you doing here? You are not supposed to be here.
werdnakram: Hmm, Since i'm here, can you please tell me something about what's going on here around me.
Why are there so many big fat potatoes around me? It's kinda weird..
manong ingglisero: All you see around here are genetically modified (GM) crops.
GM crops are developed using the tools of modern Biotechnology. Instead of breeding plants, scientists are inserting genes. For example, bacterial genes are inserted into crops such as corn plants to better protect them from pests. Researchers are also inserting genes that resist cold, drought, and other adverse weather conditions to other agricultural crops to increase crop yields with less money and effort. Iron-rich, disease-preventing foods, and starchier potato tubers intended primarily for poor countries are also being developed.
werdnakram: Wow!!! Astig!!! (sarcastic)
utak ni werdnakram: Grabe, ganun na pala yung mga gulay ngaun, pinag-eeksperimentuhan na rin.. kumbaga sa dvd, pirated!!!
Nagpaalam na rin agad si werdnakram kay manong ingglisero at naglakad-lakad muna sa malawak na lupain.
Sa kanyang paglalakad, napansin nya na hindi lang pala patatas ang nakatanim duon, lahat ata ng gulay na nabanggit sa kantang Bahay Kubo ay nandun na, lahat ng gulay na yun ay tinurukan ng kemikal at iba pang kung anu-anong ka-echosan na galing sa “kikay kit”. Parang X-men. Gulay nga lang. The mutant gulay.
Pabalik sa kanyang spaceship, napadpad si werdnakram sa isang maisan at dun muna naupo at nagpahinga.
Namangha sya sa isang grupo ng mga paru-paro na kumakain ng pollen ng mga mais.. kuntodo sipsep ang mga walang malay na paru-paro sa mutant corn.
Pagkalipas lamang ng ilang minuto, nagtaka si werdnakram dahil nawala ang mga paru-parong bukid..
Nang sya ay tumayo upang maglakad muli, napansin nya na ang mga butterflies ay nasa lupa na, paktay! Arouch. Nalason sa mais?
werdnakram: Hala!!! Pano yan, kung yung paru-paro nga di nakayanan yung kemikal sa mais na toh, pano pa kaya ang mga tao?

Dahil si werdnakram ay isang makabayan at Bayaning Pilipino Awardee, nag-alala sya sa libu-libong mga Pilipinong kumakain ng boy bawang at corn bits at mga joker na nagjojoke ng CORNy jokes.

Ikaw, sigurado ka ba sa kinakain mo?

Sa di kalayuan, may natanaw syang isang laboratoryo at dahil sya ay adbenturerong tao, pumasok sya dun at nalagpasan ang mga laser sensors sa gate. Mas madali syang nakapasok sa mga pinto dahil kung sa Pilipinas yun, may aso sa pinto. Mas mahirap makapuslit.

Dun nya natagpuan ang iba't-ibang genetically modified organisms (GMOs):
1. The 'glow-in-the-dark' tobacco na may gene ng alitaptap
2. The fluorescent pigs and mice na may gene ng jellyfish
3. Bt corn, ang mais na tinurukan ng lason para sa mga insekto galing sa gene ng soil bacterium "Bacillus thuringiensis."
4. Super salmon na 11 times heavier kesa sa mga salmon na nahuhuli o inaalagaan sa fish pond na tinuturukan ng growth hormone galing sa malalaking isda.
5. Kamatis na walang ethylene-ang ethylene ang nakakapagpahinog sa kamatis kaya tinanggal nila ito para di agad mabulok sa byahe papuntang divisoria.

Kaya kung ako sa inyo, sa Baguio na lang kayo mamalengke, kayo pa pipitas ng strawberry sa farm..
at pag binenta nyo sa maynila yung gulay, mas mabigat, malaki ang kikitain nyo.
Pag pumunta ka rin dun para mamalengke ng paninda, magdala ka ng sariling timbangan galing sa Maynila, pag bumili ka dun ng gulay, at inuwi mo sa Maynila, mas mabigat kesa nung tinimbang mo nung nasa baguio kapa.
Weh? di nga?
Bakit?
You know why?
Because of gravity.
Nanaman?!!

Ang Baguio ay mas malayo sa center of the earth kesa sa Manila.
Kung magkaparehong spring balances ang gagamitin, ang isang kilong pechay sa ay mas mabigat sa Manila kesa pag nasa Baguio ka pa lang.
Kapag mas malapit sa center of mass or center of gravity, mas malakas ang gravitational pull, kaya mas mabigat.
Parang sa Solar System, the Sun is the center of the Solar System.
Does it ever cross your mind, why the Sun is at the center and why does the planet revolve around it?
He is the center, because he has the greatest mass.
Kuha ka ng kumot or tela, pahawak mo sa nanay mo yung kabilang dulo, tas sabihin mo sa tatay mo lagyan ng pakwan.
Napansin mo ba?
Yung pakwan nasa pinakagitna?
At ano pa ang napansin mo, yung kaninang flat surface na kumot, nung nalagyan ng pakwan, nagkaroon ng lubog or na-bend.
The same with our universe, and our solar system.
Our universe is like a fabric of space, it is bent; not flat surface.
Dahil sa massive ang araw, nagkaroon ng shape ang Solar System.
Dun sa gilid ng kumot, bitawan mo yung isang orange or ponkan, kung napansin mo, ang direction ng movement ng ponkan ay circular motion toward the pakwan (or the Sun).
Isipin mo na lang yung pakwan ay araw, at may walong maliliit na prutas na sumisimbolo sa mga planeta.
The movement of the planets depends on the shape of the surface of the Solar System, at may invisible force na humihila sa kanila sa gitna dahil dun nakapwesto yung pinakamabigat or yung sun.
Gets?
So, always remember, we are living at the four-dimensional space-time fabric of space.
How wonderful is that?

God's creation.

IKATLONG KABANATA
Nagpatuloy ang paglalakbay ni werdnakram through space and time.
He decided to go to his old self where he is still writing his book "Reincarnation of a Sleepless Solitude Mind"..
Hindi napansin ni future werdnakram na iba ang kanyang itsura kesa sa past werdnakram.
werdnakram ng nakaraan: Waaaah!!! May alien!! Sino ka? Anong kailangan mo saken?
werdnakram ng future: sjoiasnf snmxghdsfbnscbhhjfv sdjk jasohidfvn sdijbv dvkughi s niyudgv dskhi
werdnakram ng nakaraan: i canna understand the words that commin out of yar mouth!!!
Laking pagtataka ni future werdnakram dahil di sila magkaintindihan ng kanyang "lumang sarili" kaya't sya ay umalis muna sa kanilang "lumang bahay"
thoughts of werdnakram: Bakit kaya ganun, gusto ko pa naman sabihin sa dati kong sarili na ako ay sya at sya ay ako.
Pero di naman pala nya ko maintindihan, kainis naman..
Marami pa naman ako sasabihin sa kanya about "his future", mga dapat at di nya dapat gawin at puntahan.
Sasabihin ko rin sa kanya kung sino yung mga tao na dapat nyang iwasan at kaibiganin.
Narrator (ako):
Hindi magkaintindihan ang luma at bagong werdnakram dahil sila ay nabuhay sa magkaibang panahon.
Kaya kahit ilang beses magpakita si werdnakram na bago kay lumang werdnakram, hindi nya talaga mamukhaan ang kanyang sarili.
Sa lumang panahon pala, habang sinusulat ni werdnakram ang kanyang libro tungkol sa aliens, ang nakikita nya palang "alien" ay ang kanyang "future self" at ang UFO na kanyang nasaksihan ay ang "space-time machine" ng kanyang future self.
Sa lumang panahon, nakagawa si werdnakram ng libro tungkol sa mga aliens not knowing that time that the aliens he saw was just "space-time travellers from the future" who just want to change their past.
Kung nakapag-usap lang sana ang lumang werdnakram at bagong werdnakram ay nabigay na sana ng future werdnakram ang sikreto upang makaimbento ng space-time machine, at college pa lang ay naging manlalakbay na si werdnakram sa apat na dimensyon ng universe called "space-time."
Postscript: Yes! It is. Aliens are just space-time travelers from the future.
Marami ng nag-attempt from the future na baguhin ang kanilang nakaraan ngunit sila ay nabigo dahil "time only moves forward.."
You cannot change your past but you can improve your future by working it on your present which is God's present to you.
Nagbalik si werdnakram sa kasalukuyang panahon upang magtarbaho sa kanyang opisina.
11:27 am, January 2, 2012.


As werdnakram approaches his way back to his timeline of his "present life" in the fabric of space, a very strong gravitational force pull his spacetime machine from a vacuum-like hole somewhere along the Proxima Centauri constellation.
A supermassive black hole.
He was trapped then at the bottomless pit composed nothing but a dark matter.
Because of "inertial dampers" of his spacetime machine, it didn't exploded into pieces.

Such a relief when werdnakram saw a small amount of signal from the transmitter connected to the supercomputer located in his laboratory in Earth.

The supercomputer send a morse code to werdnakram:
<ouy era="" ta="" eht="" elddim="" fo="" a="" eloh="" kcalb=""></ouy>

werdnakram: ano ba tong narrator na toh, pa-sosyal pa, pa-english english pa! ano toh call cener (silent 't' ang bigkas)?

narrator: testing lang naman! ayaw mo? di wag. ge, tagalog na lang!

werdnakram: yan! much better!! hehe..

narrator: much better ka pang nalalaman jan ah!

werdnakram: teka, asan ba tayo?! at pano tayo makakaalis dito sa itim na butas na toh?

narrator: wag ka sakin magtanong kase tagakwento lang ako ng pakikipagsapalaran mo, dun ka magtanong sa supercomputer mo, habang may signal pa..

werdnakram: ok.

    Dali-daling kumonekta si werdnakram sa supercomputer nya na located sa kanyang labaoratoryo sa planet Earth.

supercomputer: you are now inside a black hole somewhere in the Milky Way galaxy.

werdnakram: oh? pano ba ko makakaalis dito?

supercomputer: kailangan mong magteleport at magtravel in a speed of light and send your particles in a nearby planet and you have to capture the whole planet named BPM 37093.

werdnakram: huh? ano yun?! can you give me some more information about that planet? may mga apes ba dun? or avatar?

supercomputer: according to my research, yun ang tinuturing na "Cosmic diamond."
The BPM 37093 is a crystallized white dwarf, a remnant of a once shining star much like our sun. Tinatawag rin itong "lucy", galing sa kanta ng the beatles na "Lucy in the sky with diamonds"

werdnakram: can you give me the exact location of that cosmic diamond?

supercomputer:BPM 37093 is 50 light-years away, in the constellation Cebtaurus, its
size is 4000 kilometers in diameter
and it is 10 billion trillion trillion carats!

werdnakram: huwaaaaaattt?!! astig naman yan, grabe kung ibenta na lang kaya natin yan sa Earth!

supercomputer: no, you can't.
Kailangan mo yang buong planeta para makawala sa black hole na kinalalagyan mo ngaun, magteleport ka papunta sa planeta at pagteleport mo  pabalik, isama mo na rin ang pagteteleport sa planetang yun.

werdnakram: ah sige sige. ako naman bida dito sa kwento kaya malamang kaya ko yun.

    at nagtungo nga si werdnakram sa planetang yun upang i-capture ang nasabing diamanteng planeta at ipangbara sa black hole.


(itutuloy..) 

Lunes, Enero 2, 2012

Ikalimang Yugto

Nagpatuloy ang paglalakbay ni werdnakram through space and time.

He decided to go to his old self where he is still writing his book "reincarnation of a sleepless solitude mind"..

Hindi napansin ni future werdnakram na iba ang kanyang itsura kesa sa past werdnakram.

werdnakram ng nakaraan: waaaah!!! may alien!! sino ka? anong kailangan mo saken?
werdnakram ng future: sjoiasnf snmxghdsfbnscbhhjfv sdjk jasohidfvn sdijbv dvkughi s niyudgv dskhi
werdnakram ng nakaraan: i canna understand the words that commin out of yar mouth!!!

laking pagtataka ni future werdnakram dahil di sila magkaintindihan ng kanyang "lumang sarili" kay't sya ay umalis muna sa kanilang "lumang bahay"


thoughts of werdnakram: bakit kaya ganun, gusto ko pa naman sabihin sa dati kong sarili na ako ay sya at sya ay ako. pero di naman pala nya ko maintindihan, kainis naman.. marami pa naman ako sasabihin sa kanya about "his future", mga dapat at di nya dapat gawin at puntahan. sasabihin ko rin sa kanya kung sino yung mga tao na dapat nyang iwasan at kaibiganin.


narrator (ako):
hindi magkaintindihan ang luma at bagong werdnakram dahil sila ay nabuhay sa magkaibang panahon. kaya kahit ilang beses magpakita si werdnakram na bago kay lumang werdnakram, hindi nya talaga mamukhaan ang kanyang sarili.

Sa lumang panahon pala, habang sinusulat ni werdnakram ang kanyang libro tungkol sa aliens, ang nakikita nya palang "alien" ay ang kanyang "future self" at ang UFO na kanyang nasaksihan ay ang "space-time machine" ng kanyang future self.

sa lumang panahon, nakagawa si werdnakram ng libro tungkol sa mga aliens not knowing that time that the aliens he saw was just "space-time travellers from the future" who just want to change their past.

kung nakapag-usap lang sana ang lumang werdnakram at bagong werdnakram ay nabigay na sana ng future werdnakram ang sikreto upang makaimbento ng space-time machine, at college pa lang ay naging manlalakbay na si werdnakram sa apat na dimensyon ng universe called "space-time."

Postscript: Yes! it is. Aliens are just space-time travelers from the future. Marami ng nag-attempt from the future na baguhin ang kanilang nakaraan ngunit sila ay nabigo dahil "time moves forward.." you cannot change your past but you can improve your future by working it on your present which is God's present to you.

NAgbalik si werdnakram sa kasalukuyang panahon upang magtarbaho sa kanyang opisina.
11:27 am, January 2, 2012.

Lunes, Disyembre 26, 2011

Ikaapat na Yugto

Inaantok na si werdnakram ng sya ay bumalik sa kanyang "space-time machine"..

Hindi namalayan ni werdnakram na ang kanyang napindot na button ay ang taong 1994 at ang lugar ay sa US.
In split seconds, bago pa lang maisagawa ni werdnakram ang kanyang kisapmata, nakarating na agad sya sa paroroonan.

werdnakram: nu ba yan!! di man lang ako nakatulog, kainis!

paglabas ni werdnakram sa kanyang spaceship, nagulantang sya sa kanyang nakita..

werdnakram: oh my gulay!

napunta si werdnakram sa isang farm, kung saan nakapaligid sa kanya ang napakaraming naglalakihang patatas.

agad nyang inapproach ang isang magsasaka na mukhang scientist.

werdnakram: uy manong! manong! asan ba ko?
manong: hey you, what are you talking about? i cannot understand your language, please speak english!
werdnakram: oh yeah! is that so? i don't give a damn! haha! just kidding.. may i ask where am i?
manong engglisero: you are here @ US but i can't tell you the exact name of our company because it is a top secret facility.
wernakram: ganun? ang corny naman.
manong ingglisero: what?!!!!
werdnakram: nothing, i said you are handsome but deaf! joke!
manong ingglisero: what are you doing here? you are not supposed to be here.
werdnakram: since i'm here, can you please tell me something about what's going on here around me, why are there so many big fat potatoes around me? it's weird..
manong ingglisero:
all you see around you are genetically modified (GM) crops.
GM crops are developed using the tools of modern biotechnology. Instead of breeding plants, scientists are inserting genes. For example, bacterial genes are inserted into crops such as corn plants to better protect them from pests. Researchers are also inserting genes that resist cold, drought, and other adverse weather conditions to other agricultural crops to increase crop yields with less money and effort. Iron-rich, disease-preventing foods, and starchier potato tubers intended primarily for poor countries are also being developed.
werdnakram: wow!!! astig!!! (sarcastic)

utak ni werdnakram: grabe, ganun na pala yung mga gulay ngaun, pinag-eeksperimentuhan na rin.. kumbaga sa dvd, pirated!!!

Nagpaalam na rin agad si werdnakram kay manong ingglisero at naglakad lakad muna sa malawak na lupain.

Sa kanyang paglalakad, ay napansin nya na hindi lang pala patatas ang nakatanim duon, lahat ata ng gulay na nabanggit sa kantang bahay kubo ay nandun, lahat ng gulay na yun ay tinurukan ng kemikal at iba pang kung an-anong substances. Parang X-men. Gulay nga lang. The mutant gulay.
Pabalik sa kanyang spaceship, napadpad si werdnakram sa isang maisan at dun muna naupo at nagpahinga.

Namangha sya sa isang grupo ng mga paru-pro na kumakain ng pollen ng mga mais.. kuntodo sipsep ang mga walang malay na paru-paro sa mutant corn.
Pagkalipas lamang ng ilang minuto, nagtaka si werdnakram dahil nawala ang mga paru-parong bukid..

Nang sya ay tumayo upang maglakad muli, napansin nyang ang mga butterflies ay nasa lupa na, paktay! arouch. nalason sa mais?

werdnakram: hala!!! pano yan, kung yung paru-paro nga di nakayanan yung kemikal sa mais na toh, pano pa kaya ang mga tao?

dahil si werdnakram ay isang makabayan, nag-alala sya sa mga Pilipinong kumakain ng boy bawang at corn bits at mga joker na nagjojoke ng CORNy jokes.

Ikaw, sigurado ka ba sa kinakain mo?

Sa di kalayuan, may natanaw syang isang laboratoryo at dahil sya ay adventurerong tao, pumasok sya dun at nalagpasan ang mga laser sensors sa gate. Mas madali syang nakapasok sa mga pinto dahil kung sa Pilipinas yun, may aso sa pinto. Mas mahirap makapuslit.

Dun nya natagpuan ang iba't-ibang genetically modified organisms (GMOs):
1. The 'glow-in-the-dark' tobacco na may gene ng alitaptap
2. The fluorescent pigs and mice na may gene ng jellyfish
3. Bt corn, ang mais na tinurukan ng lason para sa mga insekto galing sa gene ng soil bacterium "Bacillus thuringiensis."
4. Super salmon na 11 times heavier kesa sa mga salmon na nahuhuli o inaalagaan sa fish pond na tinuturukan ng growth hormone galing sa malalaking isda.
5. Kamatis na walang ethylene-ang ethylene ang nakakapagpahinog sa kamatis kaya tinanggal nila ito para di agad mabulok sa byahe papuntang divisoria.

kaya kung ako sa inyo, sa Baguio na lang kayo mamalengke, kayo pa pipitas ng strawberry sa farm.. at pag binenta nyo sa maynila yung gulay, mas mabigat, malaki ang kikitain nyo.
Pag pumunta ka rin dun para mamalengke ng paninda, magdala ka ng sariling timbangan galing sa Maynila, pag bumili ka dun ng gulay, at inuwi mo sa maynila, mas mabigat kesa nung tinimbang mo nung nasa baguio kapa.
weh? di nga?
bakit?
you know why?
because of gravity.
nanaman?
Ang Baguio ay mas malayo sa center of the earth kesa sa Manila.
Kung magkaparehong spring balances ang gagamitin, ang isang kilong pechay sa ay mas mabigat sa Manila kesa pag nasa Baguio ka pa lang.

Kapag mas malapit sa center of mass or center of gravity, mas malakas ang gravitational pull, kaya mas mabigat.

parang sa solar system, the sun is the center of the solar system. Does it ever cross your mind, why the sun is at the center and why does the planet revolve around it?

He is the center, because he has the greatest mass.
Kuha ka ng kumot of tela, pahawak mo sa nanay mo yung kabilang dulo, tas sabihin mo sa tatay mo lagyan ng pakwan. napansin mo ba? yung pakwan nasa pinakagitna? at ano pa ang napansin mo, yung kaninang flat surface na kumot, nung nalagyan ng pakwan, nagkaroon ng lubog or na-bend.

the same with our universe, and our solar system.
our universe is like a fabric of space, it is bent. not flat surface.

dahil sa massive ang araw, nagkaroon ng shape ang solar system.

dun sa gilid ng kumot, bitawan mo yung isang orange or ponkan, kung napansin mo, ang direction ng movement ng ponkan ay circular motion toward the pakwan or the sun. isipin mo na lang yung pakwan ay araw, at may walong maliliit na prutas na sumisimbolo sa mga planeta.
the movement of the planets depends on the shape of the surface of the solar system, at may invisible force na humihila sa kanila sa gitna dahil dun nakapwesto yung pinakamabigat or yung sun. gets?

so, always remember, we are living at the four-dimensional space-time fabric of space.

how wonderful is that?
God's creation.

Ikatlong Yugto

Lulan ng isang sasakyan na may kakayahan na makapglakbay sa iba't-ibang panahon at dimension, si werdnakram ay nagtungo sa ibang universe upang maibsan ang kanyang pagkaburyong sa planet earth which is composed of four-dimensional space including three visible dimension which is length, width, at breadth or depth, di mo magets? ibig sabihin gumagalaw ka sa 3 dimensyon, nakakagalaw ka in 3 dimensions, nakakalakad ka papunta sa kanan, kaliwa, at nakakaatras/abante ka. apat ba? 3 lang yan. magkasama na yung atras abante, or yung lalim ng ginagalawan mo--yan ang tinatawag na "space". Pero sa panahon ni Einstein,which is sobrang tagal na, ay na-combine nya sa three dimensions ang isa pang dimension--ang time o oras. meaning, sa bawat paggalaw mo, laging konektado ang oras. ayaw pa maniwala? cge subukan mo ngang gumalaw ng nakahinto ang oras? pag nagawa mo yun, IKAW NA. Dun nag-umpisa ang katotohanan na tayo ay gumagalaw sa apat na dimensyon. dati, ang alam natin (hanggang ngayon nga ata yun pa rin alam mo eh!), gumagalaw lang tayo sa 3 dimensional space. But now that you've read this, you already know that we are moving in a four-dimensions called "space-time". length + width + breadth + time = 3 (Space) + 1 (time) is equal to space-time.
Now you know. Pamalita mo na.
And since we are living in a four-dimensional space-time, we can imagine more, kasi nung gumagalaw pa lang tayo sa simpleng tatlong dimensyon, nag-iisip tayo pano tayo makakagawa ng shortcut.
halimbawa, malelate ka na sa skul or sa trabaho, para mas mapabilis, di ka na dadaan sa kalsada in a straight line kung tatawid ka rin naman sa kabila, ang lakad mo na, pa-diagonal, mas mabilis kesa dadaan ka pa sa bawat kanto kwadrado. di mo maimagine? tulog ka nalang. hehe.

at kung nakakagawa tayo ng paraan para makapag-shortcut sa 3 dimensional space, why not sa four-dimensional space-time na ating ginagalawan?
pwede?
Posible.
Hindi lang ang distansya o layo ang magagawan naten ng paraan para makapag-shortcut, pati na rin ang oras. We can make time slower or faster.
Ayaw mo agad tumanda? PWede.
Sa pamamagitan ng isang eksperimento, napatunayan na ang oras ay kaya nating pabagalin or pabilisin.
How?
Dalawang astronaut ang inuto ng mga scientists at pinag-eksperimentuhan na paarang daga lang, hehe.
Binigyan sila ng magkaparehong orasan, parehong tatak, parehong original, parehong binili sa mall at hindi GSM (galing sa magnanakaw), parehong oras din.
Yung isang astronaut ay pinasakay sa isang spacecraft, yung isa naiwan sa earth.
Habang nakasakay ang isa sa spacecraft, tinodo edad nya ang speed ng kanyang spacecraft na malapit ng maabot ang speed of light.

Ang astronaut na yon ay si werdnakram, nagtungo sya sa kalawakan, at dun nagstay ng 3 taon.

Pagbalik nya sa planet earth, anim na taon na ang nakakalipas. hala! bakit?

agad syang nagtungo sa kanilang bahay upang dalawin ang pamilya.
Nakita nya ang kapatid na sumunod sa kanya.

werdnakram: julius! san sila mama?
julius: wala kang galang sa kuya mo ah!
werdnakram: joke ba yun? mas matanda kaya ako sayo, ako ang kuya mo.
julius: anong ikaw? umalis ka dito sa earth 2011, anim na tao na ang nakalipas, 2017 na..
werdnakram: hala, oo nga, bakit ganun, sa orasan ko at kalendaryo 2014 pa lang?

Agad hinanap ni werdnakram ang isa pang astronaut na kasama sa eksperimento at naiwan sa earth.
itago na lang natin sya sa pangalang astroboy.

Pagkalipas ng 48 years ng paghahanap at pagtatanong, nahagilap din ni werdnakram si astroboy.

werdnakram: oh astroboy, andito ka lang pala, kung saan saan na kita hinanap, bakit dito ka nakatambay?
astroboy: pare, kase naman, dapat pala ako na lang yung sumakay dun sa spaceship, dapat di ako nagpaiwan.
anim na taon na ang lumipas, pagkalipas ng isang taon dito sa earth nung umalis ka, 2012 na.. grabe andaming nangyari, nangyari yung Polar Shift, at sandamakmak na calamities ang naganap, yung Planet X Nibiru nga buti nagawan ng paraan ni Michio Kaku, kaya hindi sumalpok sa planet earth, gasinulid na lang yung pagitan.. tas naglabasan din yung samu't saring kulto, basta andaming nangyari, di ko na ikkwento kase ikaw ang bida dito sa libro na toh diba?
werdnakram: ganun ba? oh bakit tambay ka nalang? wala ka na bang trabaho?
astroboy: wala na parekoy, eto humihithit na lang ng astro cigarette na binili ko sa radioactive sago project sari-sari store.

At ganun nga ang nangyari sa panahon na yun, kay't naisipan ni werdnakram na bumalik sa kasalukuyang panahon at ipamalita ang nangyari sa future.

Biyernes, Disyembre 23, 2011

Ikalawang Yugto

3:10. Hapon. Oras ng pagtulog ng mga bata dahil pag di natulog papaluin ng erpat. Siesta. Yung iba kumakain ng bananaque na tigsampu pero dalawang piraso lang yung saging, may uod pa. joke, higad pala. walang uod at higad. harina lang. yung turon may halong chalk. wala. yung maruya puro harina na may food coloring na kulay yelo.parang ipen. mo? ewan. baka.
Inaantok si werdnakram at gustong matulog kaso di pa gabi. pano ba malalaman pag gabi na? pag madilim? pag may stars? tanong sa buwan para malaman mo. bahala ka.
ano ba ang star? ang star ay isang bola ng kumukulong gas na nagbibigay ng init at liwanag. gas ha. hindi gasul. hindi gasulina. hina yung gas sa gasera at kalan. gas. as in one of the 4 phases of matter, namely solid, liquid, gas, and plasma.
gas is not an air. but air is an example of a gas. air is not wind. it is composed of different gases such as oxygen, nitrogen,sustagen, etc. gatas? nestogen na lang kung naabutan mo pa. o kaya energen. lahat ng may gen.
Ang mga stars ay kumukutikutitap sa umaga at gabi. bakit di mo nakikita? dahil mas maliwanag si haring araw dahil sya yung pinakamalapit na star sa atin. yung iba? magkakaibang distansya ang bawat stars, hindi poske kasali na sa constellation, magkakatabi na sila at tropa na sila.
Anyway, nga pala par, girl, alam mo ba ang pinagkaiba ng star at sun? hinde? ah.. ok. so akala mo yung sun na yung pinakamalaki. at may ibang sun sa ibang galaxy? wala!
ang sun ay name lang ng star. star talaga sya. parang toothpaste, ang name or brand nya ay colgate.. at marami pang ibang brands like close-up, pepsodent, unique, beam, boy bawang, etc. paniwalaan mo kung ano yung gusto mo kase sci-fi tong sinusulat ko kaya dapat may fiction. bakit kaya pag bumibili ka ng toothpaste, "pabili nga ng colgate, yung close-up!", parang pag magpapaphotocopy ka, "pa-xerox nga!" galit ka pa. wrong grammar naman. hehe. ang 'xerox' ay brand lang photocopying machine. pano ka magpapaxerox kung yung machine nila ay canon? or ibang tatak. ah.. yun na ba yung kinasanayan mo? sige. bahala ka. sabi nga sa libro ni pareng john maxwell "What's truly sad about those who don't change is that there can be  no improvement except through change. To keep changing is not an end in itself, but only through change can there be through growth."
Nu ba yan, nasermonan pa nagbasa na nga lang. sorry ah. binasa mo pa kase. sige hinto mo na.. maya pagtapos na. bastos ka ba, nagsasalita pa yung tao tatalikuran mo. how dare you? i thought i knew it was, i thought you're my friend.. but you are. truly.

werdnakram: pa-print nga po!
tronix girl na maganda:  saan po nakasave? sa USB?
werdnakram: sa flash drive.
tronix girl na maganda: ano yun?
werdnakram: oh eto..
tronix girl na maganda: ah usb..

Hay...bakit ba kase usb? usb means universal serial bus. di ba yun yung port, i mean yung pinakadulo, ibig sabihin universal, parang common sya or standard port, may usb charger, may usb speaker, usb keyboard. oo, usb yung nasa dulo ng flash disk/drive pero bakit usb tawag mo? be specific naman.

Taking back sun-day. now you know that the sun is an example of a star, not only it is the center of the solar system but it is also a star. the nearest star on earth. yes it is.

and why does the planets rotate around the sun? bakit? anak nya ba yung mga planeta? manliligaw? bakit ayaw tantanan ng mga planeta ang araw? stalker ba yung mga planeta?
grabe naman sila, ayaw nila bigyan ng peace of mind yung araw. siguro kung nakakapagsalita yung araw, sasabihin nya: WILL YOU ALL PLEASE GIVE ME SOME SPACE? tapos may makakarinig na alien, sasagutin sya ng: EH NASA OUTER SPACE KA NA NGA EH? SAN MO PA GUSTO? DEMANDING KA AH!
grabe talaga yang mga planetang yan. grabe! gravity.

what is gravity?

kapag narinig mo ang gravity, ang una mong maiiisip ay ito ang dahilan kung bakit nahuhulog ang mga bagay bagay.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang gravity, na dahilan kung bakit nahulog ang mansanas sa ulo ni Newton habang nakaupo sya sa ilalim ng puno, ang syang dahilan din kung bakit ang lahat ng bagay sa solar system ay nakakapit sa bawat isa. as in one happy family na ayaw ng maghiwalay.
Gravity kase. for now yan muna ang discussion sa gravity dahil inaantok si werdnakram sa ikadalampu't anim na araw ng huling buwan sa taong bente-onse katorse bente syete oras.




"Be an angel and reach for the stars. Sprinkle a little stardust wherever you are."

Huwebes, Disyembre 22, 2011

Unang Yugto

Isang umaga, sa isang kubeta na matatagpuan sa isang spiral galaxy na nagngangalang Milky Way na may sukat na 100,000 lightyears in diameter at may luminosity ng 14,000 suns na kabilang sa Local Group o cluster na binubuo ng higit sa 30 galaxies na pinagbubuklod ng gravitational forces habang naliligo si werdnakram,napansin nya sa gilid ng drum ng tubig ang isang interrelationship in an ecosystem inside the comfort room sa pagitan ng gagamba at ipis. Sa gild ng drum ng tubig ay nakatayo ang isang predator, isang gagamboy na nilalapa ang kakrots. awts. Sa tagpong iyon, napag-alaman ni werdnakram na ang ganung pangyayari ay mahalaga para mapanatili ang Balance of Nature. Salamat kay gagamboy dahil nabawasan na ang lahi ng ipis na naglipana sa gabi at minsan ay nanggagapang pa, mga bastos na ipis na nanghahalik at minsan ay manyak pa, nanghihipo pa ng legs, buti na lang di pumapasok sa short.

15 minutes to go before 8AM. 8AM ang office time, saka pa lang aalis si werdnakram. Gaano kabilis dapat sya magbyahe para hindi sya ma-late? Ang formula ng speed ay distance divided by time, pero ang hinahanap natin ay ang time, so ang derived formula based on the formula of speed is t=d/s, so it's for you to find out. Unfortunately, you cannot solve the problem by using the formula of speed. Ang pwede mo na lang gawin ay isolve kung anong oras dapat umaalis si werdnakram sa bahay nila para di sya ma-late. So, get the distance from bagong silangan to araneta ave. then the average speed ng byahe sa loob ng isang linggo, then you'll get how much time needed for him to go to his office on time. But all of this are just approximation, cause there's no such thing as absolutely precise measurement.

Ano kaya kung pwede tayong magteleport gaya ni Son Gokou?
Posible ba? Oo. Sa mga particles, pwede.. sa tao hindi pa.
Ang mga siyentipiko ay nagtagumpay na sa pagpapateleport ng mga particles sa pamamagitan ng tinatawag na quantum entanglement, particles are destroyed in one place only to reappear instantly some distance away.
Try mo. Ewan ko lang kung ano magiging itsura mo. Dahil para makapagteleport, kailangan mo muna paghiwahiwalayin ang mga particles ng katawan mo, as in yung mga atoms mo.. for you to teleport to another place, you have to travel in the speed of light. Pero meron na nga bang nakadaig sa bilis ng liwanag? kahit ostrich or cheetah hindi kayang habulin ang light na nanggagaling sa flash light.. kasi pagbukas mo pa lang ng flash light, nasa pader na agad sya.
but recent experiments show that some particles are faster than the speed of light unlike what Einstein said na walang makakadaig sa speed of light. Balik tayo sa topic na teleportation bago tayo magteleport sa ibang topic. For you to teleport, you must reduced your mass,fyi, mass is the amount of matter in an object.
Weight is different from mass. To understand this difference, you must first understand gravity. Gravity is a force of attraction between objects that is due to their masses. This attraction causes objects to exert a pull on other objects. Because all matter has mass, all matter experiences gravity. The amount of attraction between objects depends on two things—the masses of the objects and the distance between them.
gets? bahala ka.
So if you have lesser mass, less force lang ang kailangan for you to move or teleport. yes! tama, kailangan mo nga ng force for you to move. why?
according to Newton's first law of motion, aka law of inertia, a body at rest remains at rest, and a body already in motion with a constant velocity will either stay still or travel at a constant speed in a straight line unless it is disturbed by a force. Pero kulang ang law ni Newton dahil nakalimutan nya na may "hidden" forces of gravity at meron ding friction.
Ok, balik na ulit sa teleportation. Isipin mo na lang, sino mas mabilis tumakbo, yung mataba o payat? syemperd yung payatot kase magaan sya, the same concept din sa teleportation.. kaya kailangan maghiwalay ng particles sa katawan mo para makapagtravel ka like the speed of light which is 299,792,458 km/s. grabe ang bilis. pero wala pang "matter" ang nakagawa nyan. sori ka matter ka. matter is anything that occupies space, at inooccupy mo ung space kung saan ka man nakaupo or nakatayo ngayon.
Anyway, kung sakali man magawa mo ang teleportation, siguraduhin mo lang na pagbalik ng particles sa katawan mo, ay nasa tamang lugar pa rin yung dating pwesto ng mata mo at iba pang organs mo. baka yung pwet mo nasa mukha mo na. joke. hehe.
bastos ba? bakit kausap ba kita? di wag mong basahin. wapakels. joke ulit. hehe. so i therefore conclude imposible ang teleportation.
Plan B. para hindi ma-late si werdnakram. hindi ako yun, narrator lang ako.
Kailangan gumawa ng shortcut papuntang office. "Cosmic shortcut" or wormhole. don't take it literally. hindi ka dadaan sa daanan ng bulate para makapagshortcut.
Unang-una, dapat mo munang malaman na ang buong universe including our Earth, at kasama ang Pilipinas, at ang Quezon City, at ang inaapakan mo ay parang isang tela o "fabric". ang lahat ng nakikita mong "space" ay space nga. Hindi lang yung paglabas mo sa planet earth yun lang ang space. no. ang tawag sa kalawakan ay outer space. at ang space, including our universe ay parang isang tela na pwede mo itiklop. try mo? labahan mo muna. hindi ka natawa? ok lang.
YEAH RIGHT. it's like a tela na nilabhan mo sa surf. pwede mong itupi at tiklupin at pag natupi mo na ung space galing sa bahay nyo at sa office nyo ay pagtapatain mo lang ung bahay at office nyo, parang nasa ibabaw mo yung office, at dun ka na makakagawa ng wormhole, dun sa pagitan ng bahay at office. di mo maimagine? kuha ka ng papel at magdrawing ka sa magkabilang dulo, sa isang side bahay nyo tas sa kabila eh office mo or school mo. medyo itupi mo yung parang magiging curve lang yung gitna ah, wag yung palong palo na tupi, tas ayan na,pwede ka na gumawa ng wormhole, pero imaginary lang yun ah, walang hagdan yun, invisible.. or para mas maintindihan mo pa, pag magkatapat na yung bahay nyo at yung gusto mong puntahan, kuha ka ng straw tas yung kabilang dulo lagay mo sa drawing ng bahay mo at yung kabilang dulo sa school or office mo. ayan na, may tunnel ka na or shorth cut papunta sa lugar na gusto mong puntahan, sa maikling panahon. gets mo na yung wormhole? ah ok. cge gudnyt. (2:45 PM pa lang dito eh)