Biyernes, Disyembre 23, 2011

Ikalawang Yugto

3:10. Hapon. Oras ng pagtulog ng mga bata dahil pag di natulog papaluin ng erpat. Siesta. Yung iba kumakain ng bananaque na tigsampu pero dalawang piraso lang yung saging, may uod pa. joke, higad pala. walang uod at higad. harina lang. yung turon may halong chalk. wala. yung maruya puro harina na may food coloring na kulay yelo.parang ipen. mo? ewan. baka.
Inaantok si werdnakram at gustong matulog kaso di pa gabi. pano ba malalaman pag gabi na? pag madilim? pag may stars? tanong sa buwan para malaman mo. bahala ka.
ano ba ang star? ang star ay isang bola ng kumukulong gas na nagbibigay ng init at liwanag. gas ha. hindi gasul. hindi gasulina. hina yung gas sa gasera at kalan. gas. as in one of the 4 phases of matter, namely solid, liquid, gas, and plasma.
gas is not an air. but air is an example of a gas. air is not wind. it is composed of different gases such as oxygen, nitrogen,sustagen, etc. gatas? nestogen na lang kung naabutan mo pa. o kaya energen. lahat ng may gen.
Ang mga stars ay kumukutikutitap sa umaga at gabi. bakit di mo nakikita? dahil mas maliwanag si haring araw dahil sya yung pinakamalapit na star sa atin. yung iba? magkakaibang distansya ang bawat stars, hindi poske kasali na sa constellation, magkakatabi na sila at tropa na sila.
Anyway, nga pala par, girl, alam mo ba ang pinagkaiba ng star at sun? hinde? ah.. ok. so akala mo yung sun na yung pinakamalaki. at may ibang sun sa ibang galaxy? wala!
ang sun ay name lang ng star. star talaga sya. parang toothpaste, ang name or brand nya ay colgate.. at marami pang ibang brands like close-up, pepsodent, unique, beam, boy bawang, etc. paniwalaan mo kung ano yung gusto mo kase sci-fi tong sinusulat ko kaya dapat may fiction. bakit kaya pag bumibili ka ng toothpaste, "pabili nga ng colgate, yung close-up!", parang pag magpapaphotocopy ka, "pa-xerox nga!" galit ka pa. wrong grammar naman. hehe. ang 'xerox' ay brand lang photocopying machine. pano ka magpapaxerox kung yung machine nila ay canon? or ibang tatak. ah.. yun na ba yung kinasanayan mo? sige. bahala ka. sabi nga sa libro ni pareng john maxwell "What's truly sad about those who don't change is that there can be  no improvement except through change. To keep changing is not an end in itself, but only through change can there be through growth."
Nu ba yan, nasermonan pa nagbasa na nga lang. sorry ah. binasa mo pa kase. sige hinto mo na.. maya pagtapos na. bastos ka ba, nagsasalita pa yung tao tatalikuran mo. how dare you? i thought i knew it was, i thought you're my friend.. but you are. truly.

werdnakram: pa-print nga po!
tronix girl na maganda:  saan po nakasave? sa USB?
werdnakram: sa flash drive.
tronix girl na maganda: ano yun?
werdnakram: oh eto..
tronix girl na maganda: ah usb..

Hay...bakit ba kase usb? usb means universal serial bus. di ba yun yung port, i mean yung pinakadulo, ibig sabihin universal, parang common sya or standard port, may usb charger, may usb speaker, usb keyboard. oo, usb yung nasa dulo ng flash disk/drive pero bakit usb tawag mo? be specific naman.

Taking back sun-day. now you know that the sun is an example of a star, not only it is the center of the solar system but it is also a star. the nearest star on earth. yes it is.

and why does the planets rotate around the sun? bakit? anak nya ba yung mga planeta? manliligaw? bakit ayaw tantanan ng mga planeta ang araw? stalker ba yung mga planeta?
grabe naman sila, ayaw nila bigyan ng peace of mind yung araw. siguro kung nakakapagsalita yung araw, sasabihin nya: WILL YOU ALL PLEASE GIVE ME SOME SPACE? tapos may makakarinig na alien, sasagutin sya ng: EH NASA OUTER SPACE KA NA NGA EH? SAN MO PA GUSTO? DEMANDING KA AH!
grabe talaga yang mga planetang yan. grabe! gravity.

what is gravity?

kapag narinig mo ang gravity, ang una mong maiiisip ay ito ang dahilan kung bakit nahuhulog ang mga bagay bagay.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang gravity, na dahilan kung bakit nahulog ang mansanas sa ulo ni Newton habang nakaupo sya sa ilalim ng puno, ang syang dahilan din kung bakit ang lahat ng bagay sa solar system ay nakakapit sa bawat isa. as in one happy family na ayaw ng maghiwalay.
Gravity kase. for now yan muna ang discussion sa gravity dahil inaantok si werdnakram sa ikadalampu't anim na araw ng huling buwan sa taong bente-onse katorse bente syete oras.




"Be an angel and reach for the stars. Sprinkle a little stardust wherever you are."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento