Inaantok na si werdnakram ng sya ay bumalik sa kanyang "space-time machine"..
Hindi namalayan ni werdnakram na ang kanyang napindot na button ay ang taong 1994 at ang lugar ay sa US.
In split seconds, bago pa lang maisagawa ni werdnakram ang kanyang kisapmata, nakarating na agad sya sa paroroonan.
werdnakram: nu ba yan!! di man lang ako nakatulog, kainis!
paglabas ni werdnakram sa kanyang spaceship, nagulantang sya sa kanyang nakita..
werdnakram: oh my gulay!
napunta si werdnakram sa isang farm, kung saan nakapaligid sa kanya ang napakaraming naglalakihang patatas.
agad nyang inapproach ang isang magsasaka na mukhang scientist.
werdnakram: uy manong! manong! asan ba ko?
manong: hey you, what are you talking about? i cannot understand your language, please speak english!
werdnakram: oh yeah! is that so? i don't give a damn! haha! just kidding.. may i ask where am i?
manong engglisero: you are here @ US but i can't tell you the exact name of our company because it is a top secret facility.
wernakram: ganun? ang corny naman.
manong ingglisero: what?!!!!
werdnakram: nothing, i said you are handsome but deaf! joke!
manong ingglisero: what are you doing here? you are not supposed to be here.
werdnakram: since i'm here, can you please tell me something about what's going on here around me, why are there so many big fat potatoes around me? it's weird..
manong ingglisero:
all you see around you are genetically modified (GM) crops.
GM crops are developed using the tools of modern biotechnology. Instead of breeding plants, scientists are inserting genes. For example, bacterial genes are inserted into crops such as corn plants to better protect them from pests. Researchers are also inserting genes that resist cold, drought, and other adverse weather conditions to other agricultural crops to increase crop yields with less money and effort. Iron-rich, disease-preventing foods, and starchier potato tubers intended primarily for poor countries are also being developed.
werdnakram: wow!!! astig!!! (sarcastic)
utak ni werdnakram: grabe, ganun na pala yung mga gulay ngaun, pinag-eeksperimentuhan na rin.. kumbaga sa dvd, pirated!!!
Nagpaalam na rin agad si werdnakram kay manong ingglisero at naglakad lakad muna sa malawak na lupain.
Sa kanyang paglalakad, ay napansin nya na hindi lang pala patatas ang nakatanim duon, lahat ata ng gulay na nabanggit sa kantang bahay kubo ay nandun, lahat ng gulay na yun ay tinurukan ng kemikal at iba pang kung an-anong substances. Parang X-men. Gulay nga lang. The mutant gulay.
Pabalik sa kanyang spaceship, napadpad si werdnakram sa isang maisan at dun muna naupo at nagpahinga.
Namangha sya sa isang grupo ng mga paru-pro na kumakain ng pollen ng mga mais.. kuntodo sipsep ang mga walang malay na paru-paro sa mutant corn.
Pagkalipas lamang ng ilang minuto, nagtaka si werdnakram dahil nawala ang mga paru-parong bukid..
Nang sya ay tumayo upang maglakad muli, napansin nyang ang mga butterflies ay nasa lupa na, paktay! arouch. nalason sa mais?
werdnakram: hala!!! pano yan, kung yung paru-paro nga di nakayanan yung kemikal sa mais na toh, pano pa kaya ang mga tao?
dahil si werdnakram ay isang makabayan, nag-alala sya sa mga Pilipinong kumakain ng boy bawang at corn bits at mga joker na nagjojoke ng CORNy jokes.
Ikaw, sigurado ka ba sa kinakain mo?
Sa di kalayuan, may natanaw syang isang laboratoryo at dahil sya ay adventurerong tao, pumasok sya dun at nalagpasan ang mga laser sensors sa gate. Mas madali syang nakapasok sa mga pinto dahil kung sa Pilipinas yun, may aso sa pinto. Mas mahirap makapuslit.
Dun nya natagpuan ang iba't-ibang genetically modified organisms (GMOs):
1. The 'glow-in-the-dark' tobacco na may gene ng alitaptap
2. The fluorescent pigs and mice na may gene ng jellyfish
3. Bt corn, ang mais na tinurukan ng lason para sa mga insekto galing sa gene ng soil bacterium "Bacillus thuringiensis."
4. Super salmon na 11 times heavier kesa sa mga salmon na nahuhuli o inaalagaan sa fish pond na tinuturukan ng growth hormone galing sa malalaking isda.
5. Kamatis na walang ethylene-ang ethylene ang nakakapagpahinog sa kamatis kaya tinanggal nila ito para di agad mabulok sa byahe papuntang divisoria.
kaya kung ako sa inyo, sa Baguio na lang kayo mamalengke, kayo pa pipitas ng strawberry sa farm.. at pag binenta nyo sa maynila yung gulay, mas mabigat, malaki ang kikitain nyo.
Pag pumunta ka rin dun para mamalengke ng paninda, magdala ka ng sariling timbangan galing sa Maynila, pag bumili ka dun ng gulay, at inuwi mo sa maynila, mas mabigat kesa nung tinimbang mo nung nasa baguio kapa.
weh? di nga?
bakit?
you know why?
because of gravity.
nanaman?
Ang Baguio ay mas malayo sa center of the earth kesa sa Manila.
Kung magkaparehong spring balances ang gagamitin, ang isang kilong pechay sa ay mas mabigat sa Manila kesa pag nasa Baguio ka pa lang.
Kapag mas malapit sa center of mass or center of gravity, mas malakas ang gravitational pull, kaya mas mabigat.
parang sa solar system, the sun is the center of the solar system. Does it ever cross your mind, why the sun is at the center and why does the planet revolve around it?
He is the center, because he has the greatest mass.
Kuha ka ng kumot of tela, pahawak mo sa nanay mo yung kabilang dulo, tas sabihin mo sa tatay mo lagyan ng pakwan. napansin mo ba? yung pakwan nasa pinakagitna? at ano pa ang napansin mo, yung kaninang flat surface na kumot, nung nalagyan ng pakwan, nagkaroon ng lubog or na-bend.
the same with our universe, and our solar system.
our universe is like a fabric of space, it is bent. not flat surface.
dahil sa massive ang araw, nagkaroon ng shape ang solar system.
dun sa gilid ng kumot, bitawan mo yung isang orange or ponkan, kung napansin mo, ang direction ng movement ng ponkan ay circular motion toward the pakwan or the sun. isipin mo na lang yung pakwan ay araw, at may walong maliliit na prutas na sumisimbolo sa mga planeta.
the movement of the planets depends on the shape of the surface of the solar system, at may invisible force na humihila sa kanila sa gitna dahil dun nakapwesto yung pinakamabigat or yung sun. gets?
so, always remember, we are living at the four-dimensional space-time fabric of space.
how wonderful is that?
God's creation.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento