Lunes, Disyembre 26, 2011

Ikatlong Yugto

Lulan ng isang sasakyan na may kakayahan na makapglakbay sa iba't-ibang panahon at dimension, si werdnakram ay nagtungo sa ibang universe upang maibsan ang kanyang pagkaburyong sa planet earth which is composed of four-dimensional space including three visible dimension which is length, width, at breadth or depth, di mo magets? ibig sabihin gumagalaw ka sa 3 dimensyon, nakakagalaw ka in 3 dimensions, nakakalakad ka papunta sa kanan, kaliwa, at nakakaatras/abante ka. apat ba? 3 lang yan. magkasama na yung atras abante, or yung lalim ng ginagalawan mo--yan ang tinatawag na "space". Pero sa panahon ni Einstein,which is sobrang tagal na, ay na-combine nya sa three dimensions ang isa pang dimension--ang time o oras. meaning, sa bawat paggalaw mo, laging konektado ang oras. ayaw pa maniwala? cge subukan mo ngang gumalaw ng nakahinto ang oras? pag nagawa mo yun, IKAW NA. Dun nag-umpisa ang katotohanan na tayo ay gumagalaw sa apat na dimensyon. dati, ang alam natin (hanggang ngayon nga ata yun pa rin alam mo eh!), gumagalaw lang tayo sa 3 dimensional space. But now that you've read this, you already know that we are moving in a four-dimensions called "space-time". length + width + breadth + time = 3 (Space) + 1 (time) is equal to space-time.
Now you know. Pamalita mo na.
And since we are living in a four-dimensional space-time, we can imagine more, kasi nung gumagalaw pa lang tayo sa simpleng tatlong dimensyon, nag-iisip tayo pano tayo makakagawa ng shortcut.
halimbawa, malelate ka na sa skul or sa trabaho, para mas mapabilis, di ka na dadaan sa kalsada in a straight line kung tatawid ka rin naman sa kabila, ang lakad mo na, pa-diagonal, mas mabilis kesa dadaan ka pa sa bawat kanto kwadrado. di mo maimagine? tulog ka nalang. hehe.

at kung nakakagawa tayo ng paraan para makapag-shortcut sa 3 dimensional space, why not sa four-dimensional space-time na ating ginagalawan?
pwede?
Posible.
Hindi lang ang distansya o layo ang magagawan naten ng paraan para makapag-shortcut, pati na rin ang oras. We can make time slower or faster.
Ayaw mo agad tumanda? PWede.
Sa pamamagitan ng isang eksperimento, napatunayan na ang oras ay kaya nating pabagalin or pabilisin.
How?
Dalawang astronaut ang inuto ng mga scientists at pinag-eksperimentuhan na paarang daga lang, hehe.
Binigyan sila ng magkaparehong orasan, parehong tatak, parehong original, parehong binili sa mall at hindi GSM (galing sa magnanakaw), parehong oras din.
Yung isang astronaut ay pinasakay sa isang spacecraft, yung isa naiwan sa earth.
Habang nakasakay ang isa sa spacecraft, tinodo edad nya ang speed ng kanyang spacecraft na malapit ng maabot ang speed of light.

Ang astronaut na yon ay si werdnakram, nagtungo sya sa kalawakan, at dun nagstay ng 3 taon.

Pagbalik nya sa planet earth, anim na taon na ang nakakalipas. hala! bakit?

agad syang nagtungo sa kanilang bahay upang dalawin ang pamilya.
Nakita nya ang kapatid na sumunod sa kanya.

werdnakram: julius! san sila mama?
julius: wala kang galang sa kuya mo ah!
werdnakram: joke ba yun? mas matanda kaya ako sayo, ako ang kuya mo.
julius: anong ikaw? umalis ka dito sa earth 2011, anim na tao na ang nakalipas, 2017 na..
werdnakram: hala, oo nga, bakit ganun, sa orasan ko at kalendaryo 2014 pa lang?

Agad hinanap ni werdnakram ang isa pang astronaut na kasama sa eksperimento at naiwan sa earth.
itago na lang natin sya sa pangalang astroboy.

Pagkalipas ng 48 years ng paghahanap at pagtatanong, nahagilap din ni werdnakram si astroboy.

werdnakram: oh astroboy, andito ka lang pala, kung saan saan na kita hinanap, bakit dito ka nakatambay?
astroboy: pare, kase naman, dapat pala ako na lang yung sumakay dun sa spaceship, dapat di ako nagpaiwan.
anim na taon na ang lumipas, pagkalipas ng isang taon dito sa earth nung umalis ka, 2012 na.. grabe andaming nangyari, nangyari yung Polar Shift, at sandamakmak na calamities ang naganap, yung Planet X Nibiru nga buti nagawan ng paraan ni Michio Kaku, kaya hindi sumalpok sa planet earth, gasinulid na lang yung pagitan.. tas naglabasan din yung samu't saring kulto, basta andaming nangyari, di ko na ikkwento kase ikaw ang bida dito sa libro na toh diba?
werdnakram: ganun ba? oh bakit tambay ka nalang? wala ka na bang trabaho?
astroboy: wala na parekoy, eto humihithit na lang ng astro cigarette na binili ko sa radioactive sago project sari-sari store.

At ganun nga ang nangyari sa panahon na yun, kay't naisipan ni werdnakram na bumalik sa kasalukuyang panahon at ipamalita ang nangyari sa future.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento